Miyerkules, Enero 17, 2018

Tanay Hane


TANAY HANE 


                           Ang mga tao sa Tanay, Rizal nakasanayan ang salitang "Hane" kaya kapag sinabi ang salitang "Hane" taga Tanay, Rizal agad ang naiisip dahil kilala ang bayan ng Tanay sa tawag na "Hane". Ang "Hane" ay isang salita na ginagamit ng mga taga-Tanay kapag may ipinakikiusap o ipinagbibilin sa anak, kaibigan, kamag-anak at kababayan. Malalaman mo lang na taga Tanay, Rizal ang isang tao kapag laging sinasabi ang salitang "Hane". Ang mga tao sa Tanay hindi maiiwasan na hindi sabihin to dahil karamihan ito na ang nakagisnan.










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento