Miyerkules, Enero 17, 2018

TANAY RIZAL MOUNTAINS
       Sa Bayan ng Tanay sa Rizal hindi nauubusan ng magagandang tanawin dahil bukod sa ibang lugar dito sa tanay meron pang mga bundok ang mapapasyalan talaga naman magugustuhan mo ang pagpasyal sa tanay bukod sa maganda ang mga tanawin malamig pa ang klima kaya tama lang itong dayuhin ng mga turista para magbakasyon.

1. Mt. paliparan- makikita ito malapit sa laguna de bay                           

2. Maynoba Circuit


 

TANAY TOURISM SPOT

               Ang Bayan ng Tanay sa Rizal ay madalas dinadayo ng mga turista dahil ang Tanay ay isa sa mga malamig na lugar sa Pilipinas kaya tuwing December-January ay dinadayo ito dahil sa lamig ng klima lalo na sa Sampaloc Tanay, Rizal dahil isa itong bundok at makikita mo ang iba't- ibang tanawin kapag nasa sampaloc ka. magandang mamasyal kapag kasama ang pamilya para mas enjoy ang pagbabakasyon.
       
             Maraming magagandang tanawin ang makikita dito Sa Tanay, Rizal tulad ng:

DARANAK FALLS

REGINA RICA

TANAY PAROLA


TANAY TOWN FIESTA 

    
             January 23, ang Fiesta sa Tanay, Rizal dito makikita mo ang makukulay na bandiritas dahil pinag hahandaan ito ng mga taga tanay dahil isa din ito sa tradisyon ng Tanay, Rizal  ang pista ng bayan bilang parangal sa Pista ng San Ildefonso De Toledo dahil binibigyang galang ang kapistahan ng mahal na patron. Tuwing pista hindi mawawala ang musiko sinusuportahan ito ng nine na barangay dito sa bayan ng Tanay. January 22 palang lumilibot na ang musiko sa Bayan ng Tanay upang maipabatid sa mga tao na nalalapit na ang kapistahan ng mahal na patron na kailangan ito ipagdiriwang.
January 24 dito magtatapat-tapat ang musiko ng bawat barangay kaya marami ang turistang pumupunta sa Tanay upang makita ang competition ng bawat musiko.



TANAY HANE FESTIVAL
 
                           Tuwing sasapit ang Nobyembre pinag hahandaan ng mga taga Tanay ang Tanay Hane Festival. Ito ay pinag diriwang tuwing Nobyembre 11-20 maraming mga programa ang ginagawa upang magbigay saya sa mga tao.
                       Street Dancing isa sa mga pinag diriwang tuwing Tanay Hane Festival dito magsisilabasan ang galing ng studyante ng iba't- ibang paaralan. Nobyembre 18 ito ginaganap. pinag hahandaan ito ng bawat school dahil malaking premyo nito kaya pinag iisipan mabuti ng bawat school ang kanilang gagawin.
       Naging tradisyon na ito ng mga taga Tanay na ipagdiriwang ang Tanay Hane Festival para magkaroon ng kulay sa bayn ng Tanay sa diriwang ng Tanay Hane Festival




Tanay Hane


TANAY HANE 


                           Ang mga tao sa Tanay, Rizal nakasanayan ang salitang "Hane" kaya kapag sinabi ang salitang "Hane" taga Tanay, Rizal agad ang naiisip dahil kilala ang bayan ng Tanay sa tawag na "Hane". Ang "Hane" ay isang salita na ginagamit ng mga taga-Tanay kapag may ipinakikiusap o ipinagbibilin sa anak, kaibigan, kamag-anak at kababayan. Malalaman mo lang na taga Tanay, Rizal ang isang tao kapag laging sinasabi ang salitang "Hane". Ang mga tao sa Tanay hindi maiiwasan na hindi sabihin to dahil karamihan ito na ang nakagisnan.